NATULDUKAN ang samahan sa pagitan ni volleyball star Myla Pablo sa Pocari Sweat-Air Force ng Premier Volleyball League (PVL).

Wala pang pormal na pahayag ang kampo ni Pablo, ngunit kinumpirma sa ABS-CBN Sports ng isang opisyal na may direktang kinalaman sa usapin ang pagalis ng 24-anyos sa kampo ng Pocari. Ang ABS-CBN ang opisyal broadcaster ng liga.

Aniya, limang koponan ang nagpahayag ng interest kay Pablo matapos magdesisyon ang Federated Distributors, Inc. franchise na ipasama ang nalalabing taon sa five-year contract na nilagdaan ni Pablo noong November 2016.

“Ni-release na siya ng FDI. At least limang teams gustong kumuha sa kanya,” ayon sa naturang opisyal.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Inaasahang magpapahayag ng pormal hingil sa isyu si Pablo ngayon.

Sa kasalukuyan, nagpahayag ng interest kay Pablo ang Premier Volleyball League clubs BanKo at PetroGazz, gayuindina ng karibal na liga na Philippine Superliga teams Foton, Cocolife at Sta. Lucia.

“Ang usapan ay iko-continue lang ang contract ni My sa last few remaining years ni My sa five-year contract nya,. Bale kung ano man ang mare-receive niya sa last three years niya (sa contract with Pocari Sweat) yun ang mare-receive ni My,” ayon sa opisyal.

Ginabayan ni Pablo, two-time conference Most Valuable Player sa PVL, ang Lady Warriors sa tatlong PVL title.

Nakamit ng Pocari Sweat ang kampeonato sa Open Conference at Reinforced Conference titles ng nabuwag na V-League noong 2016 at ang inaugural PVL Reinforced Conference sa nakalipas na taon