Naabo ang isang unit ng condominium nang sumabog ang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Makati City, nitong Sabado ng hapon.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Makati City Fire Department, nagsimula ang apoy sa loob ng Unit 602, 6th floor ng Orient Mansion na matatagpuan sa Solomon Street, Salcedo Village, Barangay Bel-Air sa nasabing lungsod, sa ganap na 5:10 ng hapon.

Nabatid na ang nasunog na unit ay pag-aari ng isang Dexter Co, at nirerentahan ng isang Mr. Raccan.

Sinasabing isang malakas na pagsabog ang narinig ng mga tenant at sinundan ng usok at apoy sa loob ng Unit 602.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mabilis na rumesponde ang mga bumbero at tuluyang naapula ang apoy pagsapit ng 7:07 ng gabi.

Walang iniulat na nasaktan sa insidente.

Patuloy pang inaalam ang kabuuang halaga ng natupok.

-Bella Gamotea