Patay ang umano’y drug addict, na katatapos lamang isailalim sa drug rehabilitation, nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Iloilo City, kamakailan.

Dead on the spot si Nestor Piagola, Jr., tricycle driver, ng Barangay Dela Rama, Iloilo City.

Ayon kay Supt. Jonathan Pablito, hepe ng Iloilo City Police Office (ICPO), naghihintay ng pasahero si Piagola nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek, na sakay sa isang itim na motorsiklo.

Sa rekord ng pulisya, minsan nang sumuko si Piagola sa "Oplan Tokhang."

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Isinailalim din ito sa ilang buwang drug rebilitation program ng gobyerno at kalalabas lamang nito kamakailan.

Si Piagola ang ikalawang biktima ng pamamaril ng riding-in-tandem sa lungsod sa loob lamang ng linggong ito.

-Fer Taboy