PAALIS ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa Sabado ng umaga patungong Los Angeles, California. Bakasyon-grande si Kris para sa pre-Christmas celebration kasama ang kanyang pamilya. Wala namang magiging problema sina Kris dahil may nabili na silang bahay doon.

Kris copy

“Bahay namin iyon dahil share-share kami sa ipinambili noon, at ang sister kong nagwo-work doon ang naghanap ng bahay, na approved naman sa buong family, kaya binili na niya,” kuwento ni Kris sa press visit ng bago niyang Afternoon Prime series na Asawa Ko, Karibal Ko.

“I will be away for two and half weeks, susulitin ko ang bakasyon na makapahinga rin dahil pagbalik ko, sunud-sunod na big scenes ang kukunan sa akin with my co-stars, Rayver Cruz and Thea Tolentino.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Hindi ba maaapektuhan ang series? Baka kasi hanapin siya ng televiewers sa series.

“Hindi po, inayos na namin ang script at ang pagte-taping na hindi ako mawawala sa eksena. Mahusay po ang director naming si Mark Sicat dela Cruz, ang mga writers namin, at mahuhusay din ang mga kasama kong artista rito.”

Sa serye ay mag-asawa dati si Rachel, si Nathan (Jason Abalos), pero pineke ng huli ang pagkamatay nito para hindi malaman ni Rachel at ng family niya na isa siyang bakla. Nagpa-sexual reassignment si Nathan at bumalik siya bilang si Venus, na ginagampanan ni Thea.

Na-meet naman ni Rachel si Gavin (Rayver), na dating ka-live in ni Venus sa States, nang bumalik sa Pilipinas ang binata. Na-in love agad si Gavin kay Rachel, lalo pa at hiwalay na sila ni Venus at hindi na niya ito mahal. Sobra na kasing nasasakal si Gavin kay Venus.

Pero hindi naging madali kay Rachel ang pakikipagbunggo kay Venus dahil sunud-sunod na panghihiya at pananakit ang ginawa nito sa kanya.

Hindi ba nahirapan si Kris sa catfight scenes nila ni Thea?

“Maayos po naman ang execution ni Direk Mark, saka sanay na kami pareho ni Thea sa mga ganoong eksena, dahil katatapos lamang namin, ako sa Impostora at siya sa Haplos. Abangan na lang ninyo ang mga pasabog pa naming eksena dahil si Rachel ay hindi na magpapatalo kay Venus.”

Inamin ni Kris na nagkaroon na sila ng love scene ni Rayver. Alam ba iyon ng kanyang non-showbiz boyfriend? At wala pa ba silang balak pakasal?

“Very supportive po niya at hindi siya nakikialam sa trabaho ko bilang artista. Napakabait niya at kahit po I’m already 29, he is willing to wait kung kailan ko gustong magpakasal.”

Napapanood ang Asawa Ko, Karibal Ko, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga.

-Nora V. Calderon