Tinanggap ni Philippine National Police (PNP) chief, Director Gen. Oscar Albayalde ang alok ng aktor at bida ng seryeng “Ang Probinsiyano” na si Coco Martin na pag-usapan nila ang tungkol sa inirereklamo ng una na masamang pagsasalarawan ng serye sa mga pulis.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Chief Supt. Benigno Durana Jr., tagapagsalita ng PNP, at sinabing magkakaharap ang dalawa sa Lunes ng susunod na linggo.

“Tinanggap na ni Chief PNP ang request ni Cardo, ni Coco Martin sa isang meeting. Alam ko sa Monday, para pag-usapan ‘yung detalye ng aming cooperation so that probably, hopefully we can arrive at a situation, a compromise that is mutually beneficial to both parties,” sabi ni Durana.

Bukod sa pakikipag-usap kay Albayalde, haharap din ang pamunuan ng “Ang Probinsyano” sa mga kinatawan ng Department of Interior Local and Government (DILG) ngayong linggo.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Itinakda ang mga pagpupulong kasunod ng pagbatikos ni Albayalde noong nakaraang linggo sa aniya’y maling pagsasalarawan sa pamunuan ng PNP bilang mga tiwali at corrupt.

Nagbanta rin kamakailan ang DILG na kakasuhan ang serye kapag hindi nito binago ang takbo ng istorya, partikular ang pagsasalarawan sa mga pulis sa serye.

“Let me state this categorically, it was never the intention of the PNP to censor whatsoever the plot of ‘Ang Probinsyano’. Our primary concern is that we just want to protect the institutional integrity of the PNP which is being maligned by projecting, although it’s fictional, that majority of police are corrupt and even led by a Chief PNP who is corrupt and wearing the uniform in vain,” paliwanag ni Durana.

“Although it’s fictional, we cannot underestimate the power of shaping the perception of the people. Perception can sometimes be the reality. It’s the public interest that is not being served,” dagdag pa niya.

-Martin A. Sadongdong