LeBron, kumubra ng 51 pts. vs Miami; Warriors, olats uli
MIAMI (AP) — Nagbalik si LeBron James sa Miami at isang malupit na performance ang kanyang ibinigay laban sa dating koponan.
Nagsalansan ang four-time MVP ng 51 puntos para sandigan ang Los Angeles Lakers laban sa dating koponan na Miami Heat, 113-97, nitong Linggo (Lunes sa Manila).
Hataw si James sa naiskor na 19 puntos sa first quarter para palagablabin ang opensa ng Lakers tungo sa dominanteng panalo. Umabot sa pinakamalaking 21 puntos ang bentahe ng Lakers.
Ang 51 puntos ay season high ni James at pinakamalaking iniskor laban sa Miami. Nakapagtala siya ng 47 puntos sa dalawang pagkakataon laban sa prangkisa na ginabayan niya sa dalawang kampeonato noong 2012-2013. Sa kabuuan ng career, kabilang ang playoff ito ang ika-13 pagkakataon na umiskor si James ng 50 puntos.
Ito rin ang unang panalo ni James laban sa Heat mula nang lisanin niya ang Miami matapos ang bigong 2014 NBA Finals. Bago ang paano, 0-4 ang mark ni James laban sa Heat at 0-7 ang koponan niya, kabilang ang Cleveland.
Nanguna si Wayne Ellington sa naiskor na 19 puntos sa Miami, nabigo sa ikapaat na home game at bumagsak sa pinakamasamang panimula sa 5-11 karta. Nag-ambag si Josh Richardson ng 17 puntos bago napatalsik sa laro bunsod nang paghagis niya ng pares na sapatos sa crowd dahil sa pagalburuto sa masamang tawag ng referee.
Hindi naglalaro si Goran Dragic sa Miami dahil sa injury sa kanang tuhod, habang nagmintis si Dwyane Wade sa ikapitong sunod na laro dahil sa pahsilang ng kanyang anak.