MATAGAL-TAGAL ding naging back-to-back performers ang pumanaw na OPM legend na si Rico J. Puno at ang tinaguriang Fiery Diva na si Malu Barry noong early 90s sa Spindle Bar, along Tomas Morato, na pag-aari ni Perry Mariano.

Ang madalas na nanonood sa kanila noon ay ang pamosong movie director na si Lino Brocka (SLN), na super ang paghanga noon kay Malu. Kinuha pa nga niyang artista si Malu para sa dalawa niyang pelikula, na ang isa ay ang Kislap Sa Dilim with Christopher de Leon at Lorna Tolentino.

As of this writing ay feeling sad at hindi pa rin makapaniwala si Malu sa sudden death ni Koriks (terms of endearment ng mga friends ng nasirang Total Entertainer), na inilibing na last Thursday sa Heritage Memorial Park, kung saan din nakahimlay ang ilang celebrities, like Rudy “Daboy” Fernandez at Liezel Martinez.

“Nineteen ninety one nang magkasama kami ni Rico J. na nagpe-perform sa Spindle noon. Halos gabi-gabi. Siya ang nagsabi na ako raw ang Babaeng Rico J. Puno,” kuwento ni Malu.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Binansagan niya rin akong Lounge Queen. And I owe him that. Iisa ang manager namin noon, na si Tita Norma Japitana.

“Kaya nga nung last night ng wake niya sa Santuario de San Antonio Church sa may Forbes Park, Makati ay talagang pumunta ako to pay him my last respect.

“But knowing Rico ayaw niyang maging malungkot ang lahat during his last night sa mundo ng mga buhay, kaya naman halos lahat ng mga kasabayan niyang kapwa singers namin ay pulos kakenkoyan ang mga sinabi during the eulogy moment, kaya tawanan ang lahat na present that night.

“Last Thursday nga ay inilibing na siya na akmang-akma naman sa kanyang old hit song titled Lupa, na may lyrics that goes ‘nagmula sa lupa, magbabalik na kusa….ang buhay mong sa lupa nagmula’ na totoo naman,” sabi pa ni Malu, na si Yours Truly mismo ang nagbansag ng Fiery Diva.

-Mercy Lejarde