TAGAYTAY CITY - Nakopo ni eight-time at 2011 Illinois state champion International Master (IM) Angelo Young ng Pilipinas ang titulo sa 50 years old above Rapid competition ng 9th Asian Seniors Chess Championship, matapos makipaghatian ng puntos kontra sa Iranian na si Iraj Sabah sa final round, habang naibulsa naman ni National Master (NM) Cesar Caturla ng Pilipinas ang korona sa 65 years old and above, sa Tagaytay International Convention Center, nitong Sabado ng gabi.

Tumapos si Young ng 6 wins, 1 draw tungo sa total 6.5 points sa seven outings tungo sa pagsubi sa coveted gold medal ng World Chess Federation (FIDE) tournament, na nagsilbing punong abala ang Tagaytay City government, sa magiting na pamumuno nina Cavite 7th District Rep. Abraham “Bambol “ Tolentino Jr. at Mayor Agnes Tolentino, na inorganisa ng Tagaytay Chess Club sa pakikipagtulungan ng National Chess Federation of the Philippines at ng Asian Chess Federation, at suportado ng Philippine Sports Commission.

“Hindi ko na pinilit ‘yung last game ko. Nanigurado na lang ako kasi champion na naman ako,” sabi ng Young, tubong Marilao, Bulacan.

Nakihati rin ng puntos si Fide Master (FM) Adrian Ros Pacis ng Pilipinas kontra kay Than Khin ng Myanmar sa final canto tungo sa 5.5 points, at nag-uwi ng silver medal award.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Giniba naman ni International Master (IM) Aitkazy Baimurzin ng Kazakhstan si 1978 Lugano, Switzerland Chess Olympiad member National Master (NM) Rosendo Bandal Jr. ng Pilipinas para makopo ang bronze medal.

Sa katunayan, si Baimurzin ay nakisalo sa ikatlong puwesto kasama sina Sabah, National Masters (NMs) Rolzon Roullo at Stewart Manaog ng Pilipinas, na kapwa nakapagtala ng tig-5.0 points, subalit natanggap ni Baimurzin ang bronze dahil sa superior tiebreak score.

Sa 65 years old and above category, iwinasiwas ng Suriago ace na si Caturla, na miyembro ng 1976 Haifa, Israel Chess Olympiad PH team, si Hendry Jamal ng Indonesia sa last round tungo sa 4.0 points iskor, na nakamada rin ng silver medallist na si Bandal, na tinalo niya sa bucholz tie break para sa gold medal.

Nakaungos naman si Mahmood Doudin, ng Palestine, sa fellow 3.0 pointers na sina Casto “Toti” Abundo at Cecil Padua ng Pilipinas, sa tie break points tungo sa bronze medal.

Nagwagi naman si Almagul Chakeyeva, ng Kazakhstan, sa kababayang si Timur Kassymov para manguna sa women’s side na may 3.5 points. May 3.5 points din si Woman Fide Master (WFM) Helen Milligan ng New Zealand, na natalo kay Candidate Master (CM) Aurel-John Buciu, ng Australia, sa last round.