Makikipagsanib-puwersa si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Butch Ramirez sa pamunuan ng Department of Education (DepEd) hinggil sa pagpapalawig ng programa ng ahensiya para sa grassroots sports.

Ito ang siyang magiging paksa ng pagpupulong ngayon ng PSC at DepEd upang mas mailapit pa ang mga kabataan sa sports na matagal nang pinag-uusapan simula pa noong mga nakalipas na buwan.

“We hope to be able to train our teacher-coaches and get them up to speed with the developments in different sports. The more knowledgeable they are, all the more better they can teach our youth,” pahayag ni Ramirez na nakatakdang makipagpulong sa DepEd simula ngayong araw na ito hanggang sa Nobyemre 7 sa Davao City.

Kabilang din sa mga tatalakayin sa nasabing pulong ay ang pag tutugma ng sports calendar sa mga events na Batang Pinoy, Philippine National Games, Regional Athletic meets at ang Palarong Pambansa.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ito umano ang pangunahing isyu ng mga grupo na may kinalaman sa mga nasabing sports event, ang maisaayos ang iskedyul ng mga kabataang lalahok dito lalo ang mga estudyante.

“We have to admit that resources to fund the training and participation of athletes are limited so we have to be able to give them a well-planned calendar so they can also do their own planning,” ayon sa PSC chief.

Kasunod nito, ay makikipag ugnayan din si Ramirez sa Philippine Olympic Committee (POC) at sa mga national sports associations sa pamamagitan ng isang consultative meeting bago magtapos ang buwan ng Nobyemre.

-Annie Abad