LOS ANGELES — Ginulat ni Serge Ibaka ang koponan ng LA Lakers matapos na pataobin ng Toronto Raptors ang una, 121-107 sa kanilang pagsasagupa kamakalawa, sa 2018 NBA Season.

Tumipa si Ibaka ng kabuuang 34 puntos kung saan ang 14 dito ay buhat sa kanyang first qarter scores kasama ang 10 rebounds.

Walang sinayang na pukol si Ibaka hanggang sa huling 5:16 minuto ng third quarter at tumapos ng 15 of 17 sa field goal para itala ang ikawalong panalo ng

Raptors kontra Lakers.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I was just focused, I knew Kawhi was out tonight, so I just wanted to go out there and do my best,’ ayon kay Ibaka.

Dahil dito, si Ibaka ang kauna unahang player sa NBA na nagtalka ng 14 of 14 sa field sa pagsisismula ng laro buhat pa noong panahon ni Shaquille O’Neal.

“That’s pretty cool. The best thing is he’s doing it with some real good composure. He’s getting in there and taking his time. He’s using his size, his power, and using pretty good footwork, so it’s something we can go to,” pahayag nman ni Nick Nurse.