ZAMBOANGA CITY - Narekober ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 500 gramo ng shabu, na aabot sa P3.4 milyon, mula sa isang high value target (HVT) drug personality sa Zamboanga Peninsula, kamakailan.

Tinukoy ni Police Regional Office 9 (PRO-9) director, Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, ang suspek na si Jessi Hassim, alyas Jan-Jan Usman, ng Zamboanga Peninsula.

Aniya, nakorner ng mga tauhan ng PDEA-9 at ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) si Hassim nang bentahan nito ng ilegal na droga ang isa sa mga pulis na dumakip sa kanya sa Bgy. San Jose Gusu, Zamboanga City nitong Martes, dakong 6:30 ng gabi.

Matapos ang buy-bust operation, nasamsam din sa kanya ang nabanggit na halaga ng droga.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakuha rin ang bundle ng boodle money, P640,000), na ginamit sa operasyon; at motorsiklo (7993 JI).

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

-Nonoy E. Lacson