PINATUNAYAN ni Fide Master (FM) David Elorta na isa pa rin siya sa Philippines’ top chess players matapos magkampeon sa 2nd Canon Carlsen Kasparov Chess Club’s Weekly Open Rapid Chess Tournament (Open division) nitong Linggo sa City Mall, Imus Cavite.

Nakolekta ni Elorta ang kabuuang 6.5 puntos mula sa anim na panalo at isang draw.

Naikamada ni Elorta ang panalo kontra kina Clark Kaeron Kwan sa first round, Neil Conrad Pondoc sa second round, National Master Emmanuel Emperado sa third round, Gabriel Paril sa fourth round, Fide Master Nelson “Elo” Mariano III sa fifth round, Jerry Areque sa sixth round at nakipaghatian ng puntos kontra kay Mark Jay Bacojo sa seventh at final round.

Nakopo naman ni engineer Arjoe Loanzon ang second overall na may 6 points, habang si Mark Jay Bacojo tumapos ng 3rd na may 5.5 puntos

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!