MAGANDA ang feedback ng pelikulang Mamu and A Mother Too na isa sa entry sa 14th Cinema One Originals Film Festival, na nagsimula nitong Oktubre 12 at tatagal hanggang sa Sabado, Oktubre 20.

Arron Villaflor

Napapanood ito sa SM Cinemas, Trinoma Cinema, Gateway Cinema, Glorietta, Power Plant, Santolan Town Plaza, at sa alternative cinemas tulad ng Film Development Council Of The Philippines (FDCP) Cinematheque Manila, UP Cine Adarna, Cinema ’76, Black Maria Theater, at Cinema Centenario.

Isa si Arron Villaflor sa cast ng nasabing pelikula, at ang saya-saya ng aktor habang kausap namin siya sa kabilang linya dahil ikinukuwento niya ang first time experience niya na puro gays ang kasama niya sa pelikula.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Gagampanan ng aktor ang karakter na Vincent bilang boyfriend ni Mamu. Wala naman daw silang love scene rito pero may butt exposure siya.

“First time ko pong gumanap na may karelasyong transgender sa movie, at first time ko ring magpakita ng butt kasi kailangan sa movie,” natatawang kuwento ni Arron. “Mid-shot po ‘yung kuha, naliligo po ako at nakatalikod. Wala namang ibang nakita.”

Pinaghandaan bang mabuti ng aktor ang pagpapakita niya ng behind?

“Hindi naman po, normal lang. Wala po akong ginawa.”

Pero bago raw tinanggap ni Arron ang project ay humingi siya ng isang linggo sa direktor para mabasa ang buong script, at nagustuhan niya kaagad kaya shooting na sila kaagad.

Ayon sa aktor, ang advocacy ng direktor nilang si Rod Signh sa pelikulang Mamu and A Mother Too ay para malaman ng lahat kung anong mayroong buhay ang mga LGBT (lesbian, gay, bisexual and transgender).

“Kung paano ang sakripisyo nila sa pamilya rin nila na itataguyod talaga na kahit anong klaseng trabaho ay papasukin nila para lang may maibigay. Sobrang colorful pala ang buhay nila,” pahayag ni Arron.

Napanood namin ang trailer ng Mamu and A Mother Too at masasabing marami na kaming napanood na ganito ang istorya, depende lang siguro kung paano ito isinalaysay ng direktor na si Rod Signh.

Anyway, sa tagal na ni Arron sa showbiz, ngayon lang ba siya nakipagtrabaho sa LGBT?

“Opo, sobrang magandang experience for me nga po kasi nu’ng una inakala ko na baka ma-abuse ako, pero hindi pala. Ako lang ang lalaki sa shoot namin. Nung una po natatakot ako, siyempre ibang feeling. Pero nabago ang pananaw ko dahil sobrang mababait, marespeto sila. Sobrang minahal nila ako, I feel very comfortable working with my director (Rod), Mamu and the rest of the cast.

“Actually po may mga naka-work na po akong gay directors, pero ‘yung working on the set with gays, hindi pa po, ngayon lang. Pero hindi po malayo ang loob ko sa kanila.

“Actually right after doing this film, sobrang mahal ko na ang LGBT. Grabe pala silang mag-alaga at magmahal.

“Dati kasi may mga kuwento-kuwentong hindi maganda, bad comments ba or opinions. Pero ngayong nakagawa ako ng movie na ganito, sobrang mahal na mahal ko na sila. May karapatan talaga sila sa lipunan natin,” kuwento ng aktor.

Paano kung may mag-propose sa kanya na gay, o gusto siyang maging boyfriend?

“Ha, ha, ha, of course hindi ko naman po ire-reject in a wrong way. Sasabihin ko po na okay ako bilang mga kaibigan nila,” diretsong sagot ni Aaron.

Kaya sa mga nakukyutan kay Aaron, alam na!

Ikalawang pelikula na ito ni Arron sa Cinema One, ang una niya ay ang Astro Mayabang noong 2010 na si Jason Paul Laxamana ang nagsulat at nag-direk.

Samantala, katatapos lang ng Asintado serye kung saan isa si Arron sa cast, at habang naghihintay ng kasunod na TV project ay inaasikaso naman niya ang family business nila, ang construction at pagpapatayo ng pauupahan nilang apartments sa probinsiya.

Isa pang nagpapasaya ngayon kay Arron ay ang magandang feedback din sa kanya bilang si Joven Hernando na narrator sa epic film na Goyo: Ang Batang Heneral muna sa TBA at Globe Studios.

Sabi nga namin na isa siya sa bida dahil siya lang ang buhay mula sa Heneral Luna, na pinagbidahan ni John Arcilla, hanggang sa Goyo ni Paulo Avelino, tapos heto tatawid siya sa upcoming movie na Manuel L. Quezon na pagbibidahan naman ni Benjamin Alves.

“Oo nga po, eh. Nakakatuwa po,” masayang sagot ng aktor.

At inabot siya ng 40 shooting days sa Goyo kaya biniro namin na malaki-laki ang kinita niya dahil per day ang rate niya.

“Ha, ha, ha, ha. Medyo po. In-invest ko po sa negosyo nga namin. Kaya habang may work, (nag-i-) invest po kasi alam ko namang hindi forever ang showbiz, gusto ko ring may iba akong ginagawa,” pahayag ng binata.

Si Arron ay mina-manage ng Cornerstone Entertainment, Inc at si Mac Merla ang kanyang handler.

-Reggee Bonoan