MATAPOS ang matagumpay ng co-hosting Batang Pinoy National finals, handa na muli ang lalawigan ng Benguet na maging sentro ng aksiyon sa ilalargang 4th leg ng Philippine Sports Commission-Indigenous People’s Games sa Oktubre 27-29.

Pormal na naisaayos ang torneo matapos ang pakikipagpulong ni Executive Assistant to PSC Commissioner Charles Maxey na si Karlo Pates sa local na mga opisyal, sa pangunguna ni Benguet Governor Cresencio Pacalso.

Sa coordination meeting, senelyuhan ang pagsasagawa ng grassroots sports program ng PSC sa Munisipalidad ng Kapangan.

Kabuuang 500 katutubong atleta mula sa elementary at high school ang makikibahagi sa IP Games na naglalayon na malinang ang mga katutubong laro na itinuturing yaman ng lahing Pilipino.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ang mga katutubong laro ay isaagawa sa pangangasiwa nina Benguet g Sports coordinator Dea Mark Monang at councilor ng Kapangan na si Rex Balangcod.

Gagawin ang IP Games sa Balacbac Elementary School kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng grupo ng mga Katutubo gaya ng mga naunang tatlong leg ng naturang event.

Ang unang tatlong leg ng IP Games ay ginanap sa Tagum City sa Davao, Lake Sebu at sa Ifugao.

-Annie Abad