IPINAHAYAG ng Philippine Sports Commission (PSC) ang agarang pagsaaayos at pagkumpuni sa athletes quarters at dormitories sa Rizal Memorial Sport Complex at sa Philsports sa Pasif City
Ayon kay PSC chief William ‘Butch’ Ramirez, kaagad niyang ipinag-utos sa administration at operation department ang pagbibigay prioridad sa pagsasaayos ng mga tirahan ng atleta.
“We will now prioritize the rehabilitaion of our sports facilities. And i think we should start with the dormitories,” pahayag ni Ramirez.
“So we will start right away. tamanag tama, December wala ang mga atleta sa quarters, November pa lang, kahit na andun sila, we will
start cleaning and renovate it,” ayon kay Ramirez. “Thisi is also to
prevent these kinds of accident. The PSC knows it’s resposibility so kailangan na aksyunan na agad,” aniya.
Hindi sinasadyang nabagok ang ulo ng 11-anyos na atleta na miyembro ng development pool nang mahulog sa ibabaw ng tinutulugang double-deck bed.
Nagdesisyon ang mga magulang ng bata na i-creamate ang kanyang bangkay na kasalukuyang nakahimlay sa Santuario de San Vicente sa Quezon City.
-Annie Abad