Twice-to-beat, target ng Lyceum Pirates

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

10 a.m.- AU vs EAC (jrs)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

12 nn.- MU vs LPU (jrs)

2 p.m.- AU vs EAC (srs)

4 p.m.- MU vs LPU (srs)

Standings W L

LPU 13 1

San Beda 13 1

Letran 10 4

UPHSD 9 5

CSB 8 6

AU 4 9

MU 4 10

SSC-R 4 10

EAC 3 11

JRU 2 13

WALA nang balakid para sa Final Four, target ng Lyceum of the Philippines University ang ‘twice-to-beat incentive’ sa muling pakikipagtuos sa Mapua ngayon sa second round elimination ng 94th NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Kasosyo ng Pirates ang defending champion San Beda Lions sa liderato tangan ang parehong 13-1 karta. Walang hirap na umusad sa Final Four ang Lyceum matapos silatin ng Emilio Aguinaldo College Generals ang St. Benilde Blazers, 69-67, nitong Biyernes.

Ngunit, inaasahang magiging madali rin sa kanila ang pakay na insintibo sa final Four.

Liyamado ang Pirates sa duwelo sa Cardinals (4-10) sa 4:00 ng hapon. Nanaig ang Lyceum sa karibal sa unang pagtatagpo sa elimination round.

“The goal remains the same, which is to win a championship. But we know it will take a step-by-step approach for us starting with this (Mapua) game,” sambit ni LPU coach Topex Robinson.

Galing ang LPU sa dominanteng 113-79 panalo kontra Arellano U sa nakalipas na laro. Ang ngitngit ng Pirates ay naibunton nila sa Chiefs matapos masilat sa Perpetual Help Altas. 81-83, sa dumungis sa kanilang target na makaulit na sweep sa liga.

Sa panalo sa AU, naitala ng Lyceum ang mga bagong marka sa statistical department: most points scored (113), most three-pointers made (14), most assists (27), most fast break points (34) at most bench points (81).

Puntirya namang makabawi ng AU (4-9) sa pakikipagtuos sa sa naghahabol ding EAC (3-11) ganap na 2:00 ng hapon.