Sinopla ni Senator Richard Gordon si Senador Antonio Trillanes IV kaugnay ng nais ng huli na paimbestigahan sina Solicitor General Jose Calida at Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go kaugnay ng mga kontratang pinasok ng mga ito sa pamahalaan.

Ito ay matapos ihayag ni Gordon na mahihirapan na ang pinamumunuan niyang Blue Ribbon Committee dahil sa dami ng nakasalang sa kanila.

At sa halip, pinayuhan ni Gordon si Trillanes na magsampa na lang ng reklamo sa Office of the Ombudsman, o sa National Bureau of Investigation (NBI).

Nitong Lunes, inihayag ni Trillanes na hihimukin niya ang kanyang mga kasamahan na isulong ang kanyang resolusyon para imbestigahan sina Calida at Go.

National

Amihan, ITCZ, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Sa kaso ni Calida, nakinabang umano ang pamilya nito sa mga security contracts sa ilang ahensiya ng pamahalaan na kinasangkutan ng multi-milyong piso, habang ang pamilya naman umano ni Go ang may-ari ng mga contractor na nakakuha naman ng bilyong kontrata sa Mindanao.

Nauna nang itinanggi nina Calida at Go ang alegasyon.

-Leonel M. Abasola