PBCS ni Sen. Pacquiao, duplikasyon sa mandato ng GAB
INALMAHAN ng Games and Amusement Board (GAB) ang planong pagbuong Philippine Boxing and Combat Sports Commission (PBCS) na isa lamang duplikasyon sa mandato at gawain ng ahensiya sa mahabang panahon.
Ayon kay GAB Chairman Abraham’Baham’ Mitra, tapik sa balikat ng ahensiya ang layunin ni Senator Manny Pacquiao na tulungang itaas ang kalidad ng kabuhayan ng mga Pinoy boxers,higit yaong mga retirado na,subalit nagagampanan na ito ng GAB at kailangan lamang ang karagdagang amyenda upang mapalakas ng ahensiya ang mga programa.
“Masasabi nating duplication sa gawain ng GAB ang nais na mabuo na PBCS ni Sen. Pacquiao. Ang pangangalaga sa ating mga boxers ay nagagampanan ng GAB sa kabila ng kakulangan sa budget.
“With the help of the Department of Health, libre na po ang ibinibigay nating medical check-up hindi lang sa ating mga boxers bagkus sa lahat ng atleta natin na lisensiyado ng GAB,” pahayag ni Mitra sa talakayan sa mga miyembro ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS.
Ayon sa dating Palawan Congressman at Governor, ang nais ni Sen. Pacquiao na benepisyo samga retiradong boxers, gayundin ang pagkakaroon ng Philhealth at GSIA membership ay magagampanan ng GAB kung madadagdagan ang budget na tinatanggap ng ahensiya mula sa General Appropriation.
“Ang GAB ay may budget na P130M sa isang taon. Nakakaya naman po natin na masuportahan ang pangangailangan ng ating mga atleta hindi lamang sa boxing bagkus maging sa basketball,volleyball, contact sports at ang pinakabago na e-Sports. Sa proposed budget ng PBCSmeron silang P150M for boxing and contact sports lang,” pahayag ni Mitra.
Tumanggap ng 20-0 boto sa Senado kamakailan ang Senate Bill 1306 (creation of a Philippine Boxing and Combat Sports Commission) ni Sen. Pacquiao.
Sa naturang pagdinig, iginiit ni Mitra na isang beses lamang naimbitahan ang GAB para magpahayag ng kanilang pananaw at sa nanindigan ang ahensita sa naunang isinumiteng ‘petion paper’ parasa Senate Bill No. 191 (creating Philippine Boxing Commission)noong 2013 na almahan ang naturang aksyon na saklaw na nangkapangyarihan ng GAB.
“The proposed creation of the Philippine Boxing Commission therefore willdivest the GABone of its original functions for which said Board was purposely created,leaving the said Board with less than 30% of its vested powers and functions under the existing law,” ayon sa position paper ng GAB.
“We respectfullysubmit that the objective of the bill, which is to give the sport of boxing the attention it deserves, can be fulfilled by strengthening the existing agency that is GAB,” anila.