ANG unang malaking teleserye na ginawa ni Sanya Lopez sa GMA Network ay ang Encantadia, nasundan ito ng Haplos, na medyo sexy na ang character niya, pero first time niyang gumawa ng ganito ka-daring na pelikula, ang sexy-drama movie na Wild and Free na produced ng Regal Entertainment sa direksyon ni Direk Connie Macatuno.

Sanya copy

Natanong si Roselle Monteverde, producer ng Regal Films kung simula na ito ng paggawa nila ulit sexy movies.

“Depende siguro sa magiging outcome nito sa mga manonood,” nakangiting sagot ni Roselle bago ang press conference ng movie. “Tingnan natin kung papasa sa panlasa ng mga moviegoers. Bagong team-up sina Sanya at Derrick, at sa mga nakita na namin sa trailer, mukha namang pwedeng pumasa sa mga manonood.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero si Sanya sa edad na 22 ay wala pang naging boyfriend, NBSB (No Boyfriend Since Birth), sabi nga. Nang matanong naman si Derrick Monasterio kung kinaya ni Sanya ang mga love scenes nila, sagot ng aktor, “Sanya is good in bed, o talagang magaling lamang siyang artista”.

Giit naman ni Sanya, wala raw siyang experience sa mga ganoong situwasyon. “Bilang artista, kailangan ko pong gawin ang hinihingi ng eksena. Saka nandiyan po naman si Direk Connie at siya ang nagsasabi kung paano ko iaarte ang eksena na kailangan kong gawin with love, that’s exciting, that’s easy, wild and free.”

Inamin ni Sanya na siguro ay sensual din siya by nature.

“Saka nagkaroon po kami ng workshops before we started. To act realistically ang character ko, kinailangan ko pong pag-aralan ito. Nanood po ako ng videos na maa-arouse ang sensuality ko at tulad nga po ng sabi ko, laging nandoon si Direk Connie para ako i-guide. Ito na siguro ang talagang pinaka-sexy na ginawa ko. Biro nga nila sa akin, Regal baby na raw ako kaya dapat gawin ko ang hinihingi ng role.

“Thankful po ako sa Regal Films, kay Mother Lily Monverde, kay Ms. Roselle Monteverde, na binigyan nila ako ng ganito kalaking opportunity na makagawa ng movie sa kanila.”

Sa movie, si Sanya ay si Ellie, isang self-supporting woman, living wild and free, working as a part-time TNVS (transport network vehicle service) driver na na-pick-up ni Jake (Derrick), na dati pala niyang boyfriend. Maganda ang relasyon nila noon until nalaman ni Jake ang sekreto ni Ellie. May mabuo bang muli sa una nilang pagkikita?

Mapapanood na ang Wild and Free sa Oktubre 10, sa lahat ng sinehan sa bansa.

-Nora V. Calderon