MASAYA kahit medyo ngarag si Piolo Pascual, na kababalik lang sa bansa nang humarap sa entertainment media para sa launch ng “SunPiology Trio”, ang ikasampung taon ng charity-sporting event from Sun Life Philippines.

PIOLO_NEW copy

Si Piolo ang ambassador nito kaya tinawag na SunPIOLOgy. Lumilikom sila ng pondo para sa education, diabetes-awareness, and to help more Filipinos live healthier life. Nakaka-goosebumps malaman na marami na silang napa-graduate na scholars sa nakalipas na sampung taon.

Kaya naman muli silang nag-iimbita ng mga gustong sumali sa “SunPIOLOgy Trio” sa November 17, sa Bonifacio Global City. Bukod dito ay may dalawa pang events, ang Sun Life Resolution Run at Sun vs. Stars, with Star Magic artists na gagawin naman sa January 26, 2019 sa Camp Aguinaldo.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Bukod sa Pilipinas, magkakaroon din ng Sun Life Resolution Run sa Malaysia (January 13), Indonesia (January 20), Hong Kong (January 27), at Vietnam (January 27), na pupuntahan din ni Piolo. Beneficiaries ng serye ng nasabing events ang Hebreo Foundation, Institute for Studies on Diabetes Foundation, Nordhoff Foundation, at Star Magic scholars. Open na ang registration sa www.sunpiology.com.

Mayroon ding Bike with Sun Life Cycle Ph, kung saan iikutin ng mga riders ang Taguig, Makati, Manila at Pasay. Makakasama ni Piolo sa nasabing event si Matteo Guidicelli. Mag-register lang sa www.sunlife.cycleph.com.

Busy rin ang schedules ni Piolo bilang actor-producer. This time, concentrated siya sa movies, at ang Since I Found You na raw ang huling teleserye niya.

Tuloy pa rin ang Marawi movie nila ni Robin Padilla, inaayos lang nila ang shooting schedule dahil hindi sila pinayagang mag-shoot sa Ground Zero. Hindi pa kasi safe roon at kinukumpleto pa ang clearing operation.

Sa Oktubre at Nobyembre ay tatlong pelikula ang gagawin ni Piolo, at dadalo siya sa Busan International Film Festival. May gagawin rin siyang movie under Lav Diaz.

Biro ni Piolo, gusto niya kapag gumagawa siya ng pelikula under Direk Lav, dahil nakakasali siya sa iba’t ibang international film festival. Kinumpirma rin ni Piolo na ididirehe rin siya sa pelikula ng isa pang award-winning director, si Brillante Mendoza.

May concert tour din si Piolo kasama ang anak na si Iñigo Pascual, sa USA at Canada this October. Posibleng sa Amerika na rin mag-celebrate si Piolo ng kanyang birthday sa January 12, 2019.

-NORA V. CALDERON