GS Warriors, malupit pa rin; asam ang ‘three-peat’

OAKLAND, California (AP) – Nagkikislapan ang tatlong Larry O’Brien trophies na naka-display sa Golden State’s media day nitong Lunes (Martes sa Manila). Tila nagpapahiwatig ang kinang ng mga tropeo sa dominanteng kampanya ng Warriors sa tatlong kampeonato sa nakalipas na apat na season.

SINO TATALO? Walang itatapon sa starting five ng Golden State Warriors (mula sa kaliwa) Kevin Durant, Draymond Green, Stephen Curry, Klay Thompson at DeMarcus Cousins. (AP)

SINO TATALO? Walang itatapon sa starting five ng Golden State Warriors (mula sa kaliwa) Kevin Durant, Draymond Green, Stephen Curry, Klay Thompson at DeMarcus Cousins. (AP)

At ngayon, sisimulan nila ang kampanya para sa isa pang titulo. Gayundin ang paghahangad ng 29 na karibal na mapigilan ang target ng Warriors na ‘three-peat’.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tapos na ang offseason sa NBA. Karamihan sa mga koponan ay nagsasagawa ng kani-kanilang media bilang panimulang programa bago sumalang sa training camps. At tulad sa mga nakalipas na season, ang mga camps – mula Hawaii hanggang British Columbia at Massachusetts – ay nakatuon sa isang adhikain, mapigilan ang Warriors.

“We’ve got a long way to go to get to Golden State,” pag-aamin ni LeBron James, nilisan ang Cleveland upang pamunuan ang bagong challenger ng Warriors – ang Los Angeles Lakers.

“They can pick up right where they left off ... we’re picking up from scratch. So we have a long way to go. We can’t worry about what Golden State is doing. Golden State is Golden State and they’re the champions,” ayon sa fout-time MVP at three-time NBA champion.

Maliban sa Dallas at Philadelphia, maagang nagsagawa ng camp dahil bibiyahe ng China para sa preseason games, lahat ng NBA teams ay opisyal na nagsagawa ng ensayo nitong Martes. Bawat isa ay determinado at maging handa para harapin ang defending champion.

“There’s one team that’s figured it out, all right?” sambit ni Miami coach Erik Spoelstra.

“Golden State has figured it out. They have the template right now. Everybody else is just trying to figure it out. Some people think they have a better track at it than others. Prove it. That’s the whole point of this association. It’s competition and you’ve got to prove it.”

Iginiit ni Warriors guard Stephen Curry na nasasabik siya sa media day na tinawag niyang “the official start to another season.”

“Excited to get back to work, get the guys back together. Look forward to chasing another championship,” pahayag ni Curry sa video message na naka-post sa Warriors’ social media channels.

Kabilang sa mga prominenteng pangalan na magtatangkang pigilang ang Warriors sina James na mag-dedebut sa Lakers uniform. Sa Toronto, si Kawhi Leonard ang magmamando, habang sa San Antonio Spurs lalarga ang husay ni guard DeMar DeRozan.

Handa na rin sa kanyang pagbabalik si Boston guard Gordon Hayward.

“There’s nothing like playing basketball. There’s nothing like in-game stuff that you can’t get from drills,” pahayag ni Hayward, nagtamo ng masaklap na injury sa paa sa opening day ng nakalipas na season laban sa Cavaliers.

Magsisimula ang preseason sa Biyernes (Sabado sa Manila) kung saan magtutuos ang Boston at Charlotte sa Chapel Hill, North Carolina.

Sa Oct. 16 (Oct. 17 sa Manila) bibisita ang Philadelphia Sixers sa Boston at dadayo ang Oklahoma City Thunder sa Golden State.

“The excitement that I have right now to get this thing rolling and get on out to training camp, it’s unbelievable,” pahayag ni Carmelo Anthony, lumagda ng isang taong kontrata sa Houston sa pagtatangka ng Rockets na mangibabaw sa Western Conference.

“Big shoutout to the fans. You guys won’t be disappointed this year,” aniya.