MAKARAAN ng dalawang taong pagharap sa mga pagsubok, inanunsiyo ni Ariana Grande ang plano niyang magpahinga “(to) heal and mend”, iniulat ng Marie Claire.
Ini-release ng singer ang statement tungkol sa kanyang desisyon sa People. Ayon sa pahayag, ang nakalipas na dalawang taon ay naging emosyonal para kay Ariana. Nitong May 22, 2017, ay nag-install ang isang suicide bomber ng explosive device sa Manchester Arena, pagkatapos ng concert ni Ariana sa venue.
Ang pag-atake ay nagresulta sa pagkamatay ng 23 katao at mahigit 500 injuries, na dahilan para suspindehin ni Ariana ang kanyang tour. Noong June 4 ng kaparehas na taon, nag-host si Ariana ng One Love Manchester benefit concert, na nakalikom ng $23 million para sa mga biktima ng pambobomba at sa mga pamilya na naapektuhan ng pag-atake.
Nitong June ng kasalukuyang taon, nagsalita si Grande tungkol sa PTSD na kanyang naranasan bilang resulta ng pambobomba.
“It’s hard to talk about because so many people have suffered such severe, tremendous loss. But, yeah, it’s a real thing,” sabi niya sa British Vogue. “I know those families and my fans, and everyone there experienced a tremendous amount of it as well. Time is the biggest thing. I feel like I shouldn’t even be talking about my own experience – like I shouldn’t even say anything. I don’t think I’ll ever know how to talk about it and not cry.”
Then, nitong buwan ay nagulat ang mundo sa balita ng pagkamatay ni Mac Miller dahil sa umano’y s overdose sa edad na 26. Nagkakilala sina Mac at Ariana noong 2012 at naging magkarelasyon simula noong 2016 hanggang May 2018.
Nitong Sabado, nag-tweet si Ariana na “everything will be okay” at nagpahayag ng pagmamahal sa kanyang fans.