DAHIL sa 158 entries sa pagsismula noong nakaraang Huwebes, ang 151 na nagharap sa second round ng elims kahapon at ang 135 na maglalaban ngayon araw sa ikatlo at huling 2-stag elimination ay sapat na para mabuo ang bagong rekord na 444 na bilang ng lumahok sa 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby.
Maituturing pinakamarami ang naitalang lahok dito para sa isang international derby sa kasaysayan ng sabong sa Pilipinas.
Ang Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila na umapaw sa unang dalawang araw ng labanan ay inaasahan na muling dadayuhin ng libo-libong mananabong pati na ang mga galing sa iba-ibang lalawigan hanggang mula sa Davao City.
Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay suportado ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbird Bexan XP. Naka-isponsor din ang Excellence, VNJ, LDI at Thor.
Umiskor sa unang labanan sa pagbubukas noong nakaraan Huwebes ng perpektong tigalawang panalo sa tigalawang laban ang mga entries na Gen Jenny - Gene Perez na nagtatanggol na solong kampiyon, Oroquieta City - Mayor Jason Almonte, King of Luck ToLiz GF - Engr. Ado Aquino/Tony Lizares, Chris Purple @ Roan -Christopher Sioson/Jun Bacolod, Redhawks - P.Terrei/Tata Rey, Mt. Panamao 1 - Gov.Gerry Espina Jr. - Fa Fa Fa -Fantastic Infinity, Femie Medina/Nitoy Mendoza/Riper - Fatboy Pyro Pro Dsl 1 - Cholo Violago/John Bailey, JMW Fighter – JMW Fatboy Pyro Pro Dsl 3 - Cholo Violago/John Bailey/Mayor Goto, Lets Get It On/Kaliwete - Raffy Zaide/Rino Lim;
MRV Nightrack Robert Keith TMjr - Moises Villanueva/Gerry Robles/Keith Chan, Super Striker AAO – 1 – Mayor Nene Aguilar, Super Striker AAO – 2 – Mayor Nene Aguilar, Roan Panaghoy Jtr - Jun Bacolod/Elmer/Bantilan/Jun Roble, Roan Davao Matina Anniversary 20M - Jun Bacolod/Dory Du, JB Gamefarm BMeg Integra - Ojie Ojeda/Vinan Baquiran, MBE BMeg Remember The Family - Marlon Escolin/Ojie Ojeda/Doc Val, LS GF Experto GFP Inc-2 - Celso Evangelista, Old Model Oct. 27 5stag Malolos 1M Guaranteed 1 - Raymond Dela Cruz;
Yes Boyet..! - Boyet Del Rosario/Boyet Plaza, 5-Stag Derby SJC Oct. 17, 2018 EDL -Excelence/BMY - Mayor Boyet Ynares, Paniqui WRV Oct. 7 5stag - WRV/Mayor Max Roxas, RJM HVT Cardiff - RJ Mea/Hermin Teves, Toronto Canada - Adrian Collins, RJM/SL Big Event Sa Mandaue Oct. 21 - RJM/SL, Cardiff Wales - Liam Gallagher, Guam USA – Tony, Dason Blake - Dason Blake/SL, Bryan Swing - Zpatch Sirang Lupa - Jn Ber - Bryan Montalban/Nolly Marques /Jeff Bernube, Limbizkit R18 L18 San Guillermo - Mark Lim, San Juan MOA/MRV/EP - Vice Anthony Marasigan/ Ting Coscolluela, Tokwing Diligan Ng Suka Ang Uhaw Na Lumpia – Infinity-Adrian Manalansa/Richard/Perez/Jojo De Mesa
Habang ang mga kalahok sa international derby ay pansamantalang magpapahinga muna bukas bago sumabak sa kanilang kanya-kanyang semis ay ipaparada muna bukas Setyembre 23 ang P220k Entry Fee One-Day 7-Stag Big Event. Ang tatlong 3-stag semis ay nakatakda sa Set. 24, 25 & 26.
Ang 4-stag finals para sa lahat ng lahok na may 2, 2.5, 3 o 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Set. 28, samantalang ang mga may 4, 4.5 or 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa 4-stag grand finals sa ika-30 ng Setyembre.