Hindi malabong ipatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price ceiling o price control kung hindi malulutas ang tumataas na presyo ng pangunahing bilihin, ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez.

“Puwede ring pag-aralan ‘un, kasi kung mag-price ceiling ka, parang ‘yan ‘yung price control, talagang magse-set ka talaga ng presyo na dapat,” pahayag ni Lopez.

Aniya, binibigyan ng pagkakataon ng price control ang gobyerno upang pamahalaan ang presyo ng mga bilhin kaysa ang mga pamilihan ang magdikta nito.

Dagdag pa ni Lopez, sakaling magpapatupad ng price ceiling ay ang gobyerno ang magdidikta ng maximum at minimum na presyo ng bilihin.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“Ina-address na po itong presyo ng mga bilihin, kahit hindi pa ‘to dine-declare ‘tong state of calamity kaya ‘yung mga supply measures, pagpapadagdag ng supply, para bumaba ang presyo ng bilihin. As much as possible, ina-address, sino-solve ang mga problemang ito kahit walang price control by increasing the supply.” sabi pa ni Lopez.

-Beth Camia