Koreans ang sumigaw ng “Unification!” at nagwagayway ng mga bulaklak habang nagpaparada ang kanilang lider na si Kim Jong Un at si South Korean President Moon Jae-in sa Pyongyang kahapon, bago ang summit na naglalayong buhayin ang naudlot na nuclear diplomacy.

NIYAYAKAP ni North Korean leader Kim Jong Un (kanan) si South Korean President Moon Jae-in sa pagdating nito sa Pyongyang, North Korea, kahapon. Lumapag si Moon sa Pyongyang para sa ikatlong pagpupulong nila ni Kim ngayong taon. (AP/Korea Broadcasting System)

NIYAYAKAP ni North Korean leader Kim Jong Un (kanan) si South Korean President Moon Jae-in sa pagdating nito sa Pyongyang, North Korea, kahapon. Lumapag si Moon sa Pyongyang para sa ikatlong pagpupulong nila ni Kim ngayong taon.
(AP/Korea Broadcasting System)

Sinalubong ni Kim si Moon ng mga yakap at ngiti sa paglapag ng South Korean leader sa kabisera ng North para palakasin ang lumalamyang negosasyon sa pagitan ng Washington at Pyongyang kaugnay sa denuclearization at posibilidad ng opisyal na pagwawakas ng Korean War.

Tampok sa malaking welcome ceremony sa Pyongyang International Airport ang goose-stepping honor guard at military band.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Kasunod nito ay bumiyahe ang dalawang lider sakay ng itim na Mercedes limousine na may open-top rear seats patungong Paekhwawon State Guest House, kung saan mananatili si Moon sa loob ng tatlong araw niyang pagbibisita.

Sandaling lumabas sina Kim at Moon sa sasakyan para bumati at tanggapin ang mga bulaklak mula sa mga tao na nagwagayway ng mga bandila at sumigaw ng “Motherland! Unification!”

Magdadaos sina Kim at Moon ng formal talks mula 3:30 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon, ayon sa opisina ni Moon.

Kasama ni Moon sa biyahe ang South Korean business tycoons, kabilang ang Samsung scion na si Jay Y. Lee at mga hepe ng SK Group at LG Group. Makikipagpuong sila kina North Korean Deputy Prime Minister Ri Ryong Nam, na namamamahala sa economic affairs.

Ngayong araw, binabalak nina Moon at Kim na magdaos ng ikalawang serye ng mga opisyal na pag-uusap at pagkatapos ay inaasahang maglalabas sila ng joint statement, at hiwalay na military pact na dinisenyo para mabura ang mga tensiyon at maiwasan ang armadong sagupaan. Babalik si Moon sa Seoul bukas ng umaga.