Sa huling ratsadagan ng San Beda-Letran rivalry sa NCAA, siniguro ni Donald Tankoua na magwawagi ang Red Lions.

Nitong Martes, nagposte ang San Beda ng 22-point lead, 67-45, kontra archrival nilang Letran may 6:19 pang nalalabing oras sa laban.

Ngunit, nagkamaling nag relax ang Red Lions at sinamantala ito ng Knights upang makahabol at dumikit sa pamamagitan ng inilatag nilang 19-0 blast.

“If we lost this game, I should probably blame myself for that because I gave everybody a chance to play and the other guys who came in just simply didn’t want to really step up,” pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez. “They thought it was already a won game for us.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

At nang mag fouled out si Robert Bolick sa huling minuto ng laro, kinailangan ng San Beda ng puwedeng sandigan upang mapigil ang bantang pag-agaw ng panalo ng Letran.

At dito tumugon sa hamon si Tankoua nang i-deliver ng isang clutch basket na siyang nagbigay sa Red Lions ng 74-68 panalo.

Dahil sa kanyang effort , ang 6-foot-6 na Cameroonian na tumapos sa laro na may 19 puntos at 9 na rebounds ang napili upang maging Chooks-to-Go/NCAA Press Corps Player of the Week.

-Marivic Awitan