Mabuting sibakin si National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino, ngunit mas maganda kung pananagutin siya sa kanyang mga aksiyon.

Ito sinabi kahapon ni AKO-Bicol Party-Iist Rep. Alfredo Garbin Jr. isang araw matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang televised interview na bibitawan na niya si Aquino sa gitna ng patuloy na krisi sa bigas.

“I think there should be a relief but of course with accountability. Yun ang hinihingi natin,” ani Garbin, Senior Deputy ni House Minority Leader Danilo Suarez. “Dapat managot pa rin [siya].”

Sa one-on-one interview kasama si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ipinalabas sa buong bansa nitong Martes, inamin ni Duterte na si Aquino ay “tired and cannot cope with the workings inside the NFA.”

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Idinagdag ni Duterte na: “I will scout for a new one and the only way is import more [rice], mag -buffer ako.”

Sinabi ni Garbin na dapat kasuhan ang NFA chief, kung mayroong basehan. “If there is a case of technical malversation when he...ginamit yung pera na sana pambili ng buffer stock, the diversion of funds, dapat managot pa rin doon. But I agree with the President relieving him as administrator,” aniya.

Sinabi naman ni Senator Bam Aquino na makakabawi ang NFA sa taumbayan sa pamamagitan ng pagtiyak ng sapat na supply ng bigas sa mga lugar na tatamaan ng bagyong “Ompong”.

Ipinag-utos na ni Aquino sa NFA regional office sa northern Luzon na manatiling operational 24 oras, at kahit Sabado at Linggo.

Sa ngayon may 750,000 sako ng bigas ang nakaimbak sa iba’t ibang bodega ng NFA sa Luzon, kabilang sa National Capital Region (NCR) na handa para sa distribusyon sa retailers at relief operations sa panahon ng kalamidad.

Inatasan din ni Aquino ang mga opisina sa Regions 1, 2, 3 at Region 5 na protektahan ang kanilang stocks laban sa pagkabasa sa ulan o baha, paganahinang operation centers, at maging handa sa posibleng relief operations hanggang sa matapos ang bagyo.

-ELLSON A. QUISMORIO, BETH CAMIA at LEONEL M. ABASOLA