Nananatili pa ring solido at hindi nagkawatak-watak bilang isang organisasyon ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines-Eastern Mindanao Command (AFP-EastMinCom).

Ito ang tiniyak kahapon ni EastMinCom spokesman, Lt. Col. Ezra Balagtey sa publiko sa gitna ng bantang magkakaroon umano ng pagtatangkang mapatalsik sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Depensa ni Balagtey, hindi pa rin nagbabago ang posisyon ng militar na maging matapat sa Konstitusyon at sa chain of command sa gitna ng nararanasang bangayan sa pulitika.

“While there are prevailing issues which some sectors are trying to drag the military into the frey, Eastern Mindanao Command, together with its subordinate units, remains committed and focused in our task to secure our communities from terrorist and other lawless elements, and allow no one to take advantage of the situation to carry out their ill-intentions,” aniya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“While we recognize that our officers and soldiers have their own view and opinion on any issues, rest assured that the Eastern Mindanao Command, and the whole AFP for that matter, remains solid, professional, and focused on our mission to secure our communities, facilitate the delivery of services to our people, and address threats to our peace and security,” patuloy na ni Balagtey.

Nauna nang binalaan ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, Jr. ang kanyang mga tauhan na huwag sumali o magpaapekto sa nararanasang sitwasyon ng pulitika sa bansa at dapat ay isaalang-alang pa rin ng mga ito ang organisasyon at ang kapakanan ng bansa. Pinasinungalingan din niya ang balitang nagkawat-watak na ang hanay ng militar at nakahanda itong mag-alsa laban sa pamahalaan.

“Let me belie claims by some quarters of divisiveness or rumblings in the AFP. I assure our people that, as in many times in the past, the AFP will be united and strong as an organization.Let me then, as the AFP Chief of Staff, take this occasion to warn persons who or groups that attempt to divide the AFP by sowing intrigues and discord among its Officers and Enlisted personnel. You will not succeed,” pahayag pa ni Galvez.

-Francis T. Wakefield