INILABAS na ang pictorial para sa bagong teleserye na pagsasamahan ng Kapamilya hunk actors na sina Diego Loyzaga, Marco Gumabao, Jake Cuenca, at Albie Casiño. Mala-Pasion de Amor ang tema ng Los Bastardos, mula sa RSB unit ni Direk Ruel S. Bayani.

Diego copy

Nakausap ng Push ang isa sa mga bidang si Diego at naitanong sa aktor ang ginawa niyang preparasyon sa nasabing sensual serye.

“Kailangan kong magpaganda ng katawan kasi nakakahiya sa mga kasama ko sa show. Puro kasi kami topless dito ng mga boys,” natatawa niyang bungad.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Isang bagong-bihis na Diego raw ang makikita ng televiewers sa Los Bastardos kaya kailangang abangan ang pagpapakita niya ng sexy body. Bakit magpapa-sexy na rin siya?“Dapat kasi maging believable ako, kasi patatandain ako dito. Nagpapatubo ako ng balbas para magmukha akong nasa 30s,” kuwento ni Diego.Ang salitang “bastardo” ay Espanyol ng anak sa labas, at aminado si Diego na medyo nakaka-relate siya sa role na gagampanan.

“Somehow, oo. Hindi man naging asawa ng tatay (Cesar Montano) ko si nanay (Teresa Loyzaga) ko, pero naging sila naman. Mahirap ikumpara yung sa totoong buhay ko, pero nakaka-relate ako,” pag-amin ni Diego.

Dahil sexy ang tema ng bagong teleserye, required talaga si Diego na magpaganda at magpakita ng katawan.

“Concerned ako sa katawan ko, pero hindi talaga ako ‘yung... But now, kailangan kong humabol kasi nakakahiya naman kina Jake Cuenca, Albie, ‘di ba?” aniya, sabay tawa .

May pagka-bad boy din daw siya sa bagong role, na ayon sa kanya ay hindi na masyadong mahirap i-portray dahil sa personal life niya ay ganun na rin daw ang tingin sa kanya ng publiko.

“Ako, kahit di ko naman sinasadya, meron na akong bad image. Whether I like it or not, ganun na ang tingin ng tao sa akin. So panindigan ko na lang.

“Kung puro bad boy, bad boy image na ako sa mata ng mga tao, eh, gampanan ko na lang ‘yung karakter na bad boy, ‘di ba? Tingnan natin kung talagang bad boy ba talaga ako.

“Na-imbibe ko na nga ‘yung karakter ko, eh. ‘Pag tumitingin ‘yung mga tao sa akin, hindi ako ngumingiti. And sometimes it gets better to just become your character all the time. Although lots of people will say that’s wrong, mali rin naman talaga.”

Sa totoo lang, ilang beses na siyang nasasangkot sa mga negatibong isyu.

“To be honest, I really don’t know. It’s how they want to interpret whatever I say,” sey niya.

“Yung nangyari sa Grab, may follow-up ba? Wala? Pero lahat ng tao nanghusga kaagad. ‘Asan ‘yung kaso? Wala namang kaso. Kung may damage talaga akong ginawa, dapat kinasuhan ako, pero nasaan?

“Kaya lang, ‘yun nga, napangunahan na ng ibang tao. Hinusgahan na ako, damay pa ang mommy ko.

“Hindi nga ako ang nag-react, eh. Si Mama nga ‘yung sumagot ng telepono, ‘di ba? Lahat ng tao ang sabi, ‘tingnan mo si Diego, nagtatago sa palda ng mommy niya’.

“Kasi kung may mali ako, sasabihin ko naman talaga na may mali ako. But if that’s the way they want to see me, then I can be the bad guy they want me to,” himutok ng young actor.

-ADOR V. SALUTA