JERUSALEM, Israel—’Never again.’

Nagpahayag ng pag-asa si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na mauulit ang genocide tulad ng Holocaust at tiniyak na isa ang Pilipinas sa mga unang bansa na magtatakwil sa genocide.

Ito ang winika ni Duterte sa makasaysayang pagbisita niya sa Yad Vashem, ang memorial ng Israel para sa mga biktima ng Holocaust, sa Jerusalem nitong Lunes ng hapon (oras sa Israel).

Sa kanyang nilagdaang dedication sa guest book sa Children’s Hall ng memorial site, sinabi ni Duterte na umaasa siya na mananatiling bukas ang puso ng mga tao.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

“Never again,” mariing sinabi ni Duterte, na minsang binatikos dahil sa pagkukumpara sa kanyang sarili sa German leader na si Adolf Hitler.

“May the world learn the lessons of this horrific and benighted period of human history. May the hearts of peoples around the world remain ever open,” idinugtong niya.

Sa pagbisita ni Duterte sa Yad Vashem’s Hall of Names kasama ang anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, tinawag niyang sira-ulo si Hitler at nagitla kung paano nagawang sundin ng isang bansa ang isang baliw na lider.

“Me, I realized that war is insanity. And what happened here, in Europe especially under the Nazi,” aniya.

“I could not imagine of a country obey an insane leader. And I could not ever fathom the spectacle of a human being going into a killing spree, murdering old men, women, men, children, mother,” idinagdag niya.

Sinabi ni Duterte na umaasa siya na ang trahedya tulad ng Holocaust ay hindi na mauulit pa at nagsuhestyon na ang mga baliw na pinuno ay dapat na kaagad pinatatalsik.

“I hope that this will not happen again. But we are a world whose — now... We have learned so much along the years during the two wars. There is always a lesson to be learned and that despots and leaders who show insanity should be — well they should be disposed of at the first instance,” aniya.

Tiniyak ni Duterte na ang Pilipinas ang unang magsasalita laban sa genocide na mag-uugat sa galit.

“I would like to say that we are one in saying that it will not happen again and my country will be the first to voice such I said a massacre of a race just because of hate,” aniya.

Ang Yad Vashem’s Hall of Names ay ang memorial ng Israel para sa bawat Jew na namatay noong Holocaust.

Ang Holocaust ay isang state-sponsored persecution at murder ng tinatayang 6 na milyong Jews ng mga Nazi na nagsimulang namuno sa Germany nooong 1933.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS