EL SEGUNDO, Calif. (AP) — Binitiwan ng Los Angeles Lakers si forward Luol Deng nitong Sabado, dalawang taon matapos palagdain ng US$72 million a loob ng apat na taon bilang free-agent.

Hindi inilabas ng Lakers ang detalye para sa psoibleng buyout kay Deng.

“We made this move to further our future salary cap and roster flexibility as we continue to build this Lakers team according to our current overall vision,” pahayag ni Lakers general manager Rob Pelinka.

Ang 33-anyos na si Deng ang nalalabing players sa dating pamunuan nina Lakers basketball boss Jim Buss at general manager Mitch Kupchak. Ang dalawa ang nagbigay ng malaking kontrata kay Deng at center Timofey Mozgov, na may four-year US$64 million contract.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit, nasibak sina Buss at Kupchak at pinalitan ni dating NBA star Magic Johnson.