KABUUANG 14 na players ang binuo ni National coach Yeng Guiao para maging training pool ng Philippine-Gilas team na isasabak sa ikatlong window ng FIBA World Cup Asian qualifiers.

ISINALPAK ni Jordan Clarkson ang two-handed slam dunk sa isang tagpo laban sa Syria sa men’s basketball, habang nilalapatan ng lunas ng ring official ang sugat sa kilay ni Rogen Ladon (kanan) matapos mauluhan ng karibal na Uzbekistan sa boxing event ng 18th Asian Games sa Jakarta.

ISINALPAK ni Jordan Clarkson ang two-handed slam dunk sa isang tagpo laban sa Syria sa men’s basketball, habang nilalapatan ng lunas ng ring official ang sugat sa kilay ni Rogen Ladon (kanan) matapos mauluhan ng karibal na Uzbekistan sa boxing event ng 18th Asian Games sa Jakarta.

Kabilang sa pool ang walong miyembro ng koponan na isinabak at nagtapos sa ikalimang puwesto sa katatapos na 18th Asian Games – sina Beau Belga, Raymond Almazan at Gabe Norwood ng Rain or Shine, Stanley Pringle ng Northport, Poy Erram ng Blackwater, Christian Standhardinger ng San Miguel, Asi Taulava ng NLEX at Paul Lee ng Magnolia.

Inimbita naman upang makasama nila sa pool sina Alex Cabagnot at Marcio Lassiter ng San Miguel, Scottie Thompson ng Ginebra, Ian Sangalang ng Magnolia at Allein Maliksi ng Blackwater.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasama rin sa mga inimbita upang masama sa pool kung saan pipilii ang lalaban sa Iran sa Setyembre 13 sa labang gaganapin sa Tehran at sa Qatar sa home game na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Setyembre 17 si Phoenix guard Matthew Wright dahil isang laro lamang ang ipinataw dito ng FIBA matapos masangkot sa gulong nagyari sa laban ng Gilas at Australia noong nakaraang Hulyo kaya puwede itong isama sa line-up kontra sa Qatar.

Ang mga hindi nakasama mula sa Asiad team ay sina Chris Tiu, Maverick Ahanmisi , James Yap at ang NBA player na si Jordan Clarkson na bumalik na ng US nitong Sabado.

Wala sa listahan si Ginebra slotman Greg Slaughter na nauna nang sinabi ni Guiao na iimbitahan. Ngunit sinabi ng mga opisyales ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na nakatakda nila itong kausapin.

“Titingnan pa namin who is committed by Monday. It’s still a decision that is made by the players themselves. We just invited them. We don’t know who is going to answer that invitation,” ani Guiao.

“May say (ang mga players) siyempre but I think, from my information, they already have their (PBA teams’) approval, that is why iba talaga kapag magtutulong-tulong. Iba ‘yung suporta na binigay nila,” ayon pa kay Guiao.

-Marivic Awitan