Deserve ni Chief Justice Teresita De Castro na pamunuan ang Korte Suprema, sinabi ni Pangulong Duterte matapos ang oath-taking ceremony nito sa Malacañang, nitong Biyernes.

Pinamunuan ng Pangulo ang panunumpa ni De Castro bilang punong mahistrado ng bansa sa harap ng kanyang pamilya, Supreme Court justices, Judicial and Bar Council members, at iba pang government officials sa Malacañang, nitong Biyernes.

“The President congratulated Chief Justice De Castro and told her that she deserves the appointment,” ayon sa pahayag ng Palasyo.

Iniluklok ng Pangulo bilang bagong Chief Justice nitong Agosto 25, tatlong buwan matapos patalsikin Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Si De Castro, ang pinakamatandang nominado na inirekomenda ng JBC, ay magkakaroon ng maikling panahon sa tungkulin dahil siya ay magreretiro na sa Oktubre. Si De Castro, dating Sandiganbayan justice, ay iniluklok sa Korte Suprema noong Disyembre 2007 ni dating Pangulong Gloria Arroyo. - Genalyn D. Kabiling