KAKASA ang walang talong si OPBF flyweight champion Jayr Raquinel kay Chinese interim WBO Asia Pacific 112 pounds titlist Wulan Tuolehazi para sa bakanteng WBC Silver flyweight title sa Setyembre 29 sa Changsa, China.

May perpektong rekord na 10 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts, at isang tabla ang 21-anyos at tubong Bacolod City, Negros Occidental na si Raquinel na matagumpay na naidepensa ang OPBF title sa mga Hapones na sina Keisuke Nakayama at Shun Kosaka sa knockouts sa sagupaan sa Tokyo at Wakayama, Japan.

Bagamat mapanganib lumaban sa China na mahirap manalo sa puntos, gustong patunayan ni Raquinel na hindi siya natatakot kumasa sa 25-anyos na si Tuolehazi na mula sa rebeldeng lalawigan ng Urumqi.

May kartada si Tuolehazi na 8-3-1 na may 4 na pagwawagi sa knockouts at gusto niyang masungkit ang world rankings ni Raquinel na nakalistang No. 9 kay IBF flyweight champion Moruti Mthalane ng South Africa at No. 12 kay WBC titlist Cristofer Rosales ng Nicaragua.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

-Gilbert Espeña