Aabot sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa umano’y tulak na naaresto ng mga tauhan ng Batangas police sa Batangas City, nitong Miyerkules ng gabi.

Nasa kustodiya ng Batangas Provincial Police Office ang suspek na kinilalang si Norhaya Mamantal, nasa hustong gulang, taga-Pasig City.

Ayon sa awtoridad, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng talamak na pagbebenta ng suspek ng ipinagbabawal na gamot.

Nang magpositibo ang impormasyon, nakipagtransaksiyon ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch- Drug Enforcement Unit (PIB-DEU) kay Mamantal at siya ay naaresto sa Barangay Alangilan, dakong 10:00 ng gabi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kakasuhan si Mamantal ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Nagsasagawa ang awtoridad ng operasyon laban sa supplier ng suspek.

-Lyka Manalo