NAGULAT ang mga reporter nang makita nang personal si Jillian Ward sa presscon ng My Special Tatay, dahil hindi naman ito madalas na nakakasalamuha ng press people. At age 13, ang laki ng bulas ni Jillian, matangkad siya at lumalaking paganda nang paganda.

Jillian copy

Biro namin, puwede na siyang magka-love team, pero sabi ng dalagita, ayaw pa niyang may ka-love team at ini-enjoy pa niya ang role na ibinibigay sa kanya ng GMA-7, na akma sa kanyang edad.

Ang halimbawa nito ay ang karakter ni Jillian sa Sunday show na Daig Kayo Ng Lola Ko, pambata ang show, kaya hindi hinahaluan ng love team. Pati mga episode sa show, pambata at kung may love angle man, hindi ito masyadong ini-explore.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Gan’un din ang role ni Jillian sa bagong afternoon prime ng network na My Special Tatay. Dito ay gaganap siya bilang si Odette Villaroman, stepbrother ni Boyet (Ken Chan). Sa story, mas magiging close siya kay Boyet kaysa real brother niyang si Orville (Bruno Gabriel).

“Kay Boyet ko kasi mararamdaman na may kuya ako kahit hindi ko siya buo na kapatid. Ako rin sa legit family namin ang unang tatanggap kay kuya Boyet pati ang kalagayan niyang may Mild Intellectual Disability,” sabi ni Jillian.

Sa Setyembre 3, pagkatapos ng The Stepdaughters ang pilot ng My Special Tatay sa direksyon LA Madridejos. Inuuna ni direk LA ang mga eksena ni Jillian dahil iniiwasan nilang mapuyat ang young actress.

-Nitz Miralles