Sa nalalapit na impeachment hearing sa Setyembre 4, sinabi ng House Committee on Justice na ang lahat ng pitong mahistrado, kabilang ang bagong luklok na si Supreme Court Chief Justice Teresita De Castro, “will be invited as the need arises.”

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Paulino Salvador “Doy” Leachon, tatalakayin ng panel ang impeachment complaints laban sa justices sa Setyembre 4.

“September 4 is the final date granting it will be referred to us on Tuesday,” sinabi ni Leachon sa panayam.

Nang tanungin kung sumang-ayon ang House leadership na isagawa sa Setyembre 4 ang pagdinig, sinabi niya na “Justice committee will be the one to schedule when will be the date of hearing. Everything is set in the Rules.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Una nang sinabi ni House Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr. na magsasagawa ng hearing ang Mababang Kapulungan laban sa pitong mahistrado sa Miyerkules, Agosto 29.

“Justices will be invited as the need arises,” ani Leachon, tinutukoy si De Castro, at sina Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes, Francis Jardeleza, Noel Tijam, at Alexander Gesmundo.

Nahaharap sa impeachment complaint ang pitong mahistrado kaugnay ng pagpapatalsik sa puwesto kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pag-apruba sa quo warranto petition.

-Charissa M. Luci-Atienza