LAGAWE, Ifugao – Ipinangako ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey ang buong suporta ng ahensiya para buhayin at palakasin ang mga tradisyunal na laro ng Indigenous People.

PERSONAL na pinangasiwaan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey kasama ang kanyang Executive Assistant na si Karlo Pates at Ifugao Gov. Pedro G. Mayam-o ang isinagawang Indigenous Peoples Games kamakailan sa Lagawe, Ifugao. (kanan) ang mga batang kalahok sa ‘akad’ – isa sa 15 tradisyunal na sports ng mga tribo sa Ifugao.

PERSONAL na pinangasiwaan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey kasama ang kanyang Executive Assistant na si Karlo Pates at Ifugao Gov. Pedro G. Mayam-o ang isinagawang Indigenous Peoples Games kamakailan sa Lagawe, Ifugao. (kanan) ang mga batang kalahok sa ‘akad’ – isa sa 15 tradisyunal na sports ng mga tribo sa Ifugao.

“The traditional games of the Indigenous People are not just ordinary games. These games are already part of their daily life. That’s why there is now a need to preserve these games,” pahayag ni Maxey, personal na pinangasiwaan ang tatlong araw na IP Games.

Sa ikatlong leg ng Indegenous Peoples Games sa malaparaisong lalawigan ng Ifugao, kabuuang 400 kalahok mula sa 11 local government units ang nakiisa at nakipagtagisan ng huay at galing sa traditional Ifugao sports na pating race, akkad, hanggul, volleyball in g-string, bowot, lattik, labba race, kadang-kadang, paktilan, bultong, log race, guyyudan, pig catching, munbayu, at munparti ya munlagim.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ginanap ang unang dalawang IP Games sa Tagum City, Davao del Norte at Lake Sebu, South Cotabato.

Nagwagi ang mga atleta ng Aguinaldo at Mayoyao towns sa boys volleyball at dopap di baboy (pig catching), habang nakamit ang silver medal sa pating race at bawwot.

Isang second class municipality ang Aguinaldo, habang ang Mayoyao ay isang fourth-class municipality na napatanyag sa kasaysayan sa pamosong “Battle of Mayoyao Ridge” noong World War II.

Nasungkit naman ng Asipulo/Tinoc athletes ang dalawang ginto sa traditional Igorot sports na munbayu at munparti ya munlagim at isang silver sa ka-iw race.

Nakopo ng host Lagawe ang isang ginto at dalawang bronze.

Ang iba pang nagwagi sa larong ginanap sa Lagawe Plaza ay ang Cluster 2 (Hungduan/Kiangan), na may isang ginto t dalawang silver medals, Cluster 3 (Alfonso Lista /Lamut), kumubra ng isang ginto, dalawang silver at isang bronze, habang ang Cluster 5 (Banaue/Hingyon) ay may tatlong bronze medal.

Nagbigay din ng buong suporta ang Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. Pedro G. Mayam-O, sa pakikipagtulungan ni Indigenous Peoples Education (IPED) Division Coordinator Herminia L. Hoggang

Nagwagi rin ng gintong medalya ang Cluster 2 (Kiangan/Humgduan) sa the boy’s akkad race; at Cluster 4 (Aguinaldo/Mayoyao) sa kaddang event.

Nagwagi rin ang Cluster 2 na sina Janzel Pinkihan, John Rey Gaerlan, Juan Pritz Paul Allaga, Kelbin Clyde Binnag at Jezekial Pelorio.

Namayagpag naman sa Cluster 4 sina Loven Rose Choy-awon Banotan, Caridad Bala-oy, Piojeta Bagiw, Ronaliza Mayam- O at Sarona Ongayon.