Hindi dapat na nasa makapangyarihang puwesto sa gobyerno si Canadian Prime Minister Justin Trudeau kung hindi niya nauunawaan ang geopolitics at mga banta sa seguridad ng “troubled world,” sinabi ni President Duterte nitong Martes ng gabi.

Tinuligsa ng Pangulo ang leadership skill ni Trudeau dahil sa pagkadismaya sa desisyon ng Canada na repasuhin ang pagbili ng Pilipinas ng 16 combat utility helicopters nagkakahalaga ng $233 milyon kaugnay sa mga pangamba sa human rights. Ibinasura na ng Malacanang ang deal.

“For God’s sake Mr. Trudeau, my own citizens are rebelling against us, killing my soldiers and policemen and civilians. And I cannot use the helicopter because they are citizens but they are out to overthrow my government,” ani Duterte sa pagtitipon ng mga alkalde mula sa Visayas sa Cebu City nitong Martes ng gabi.

“If you cannot understand, you should not be there in that mighty post of yours because you do not know the history of the world and geopolitics,” dugtong niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ginunita ni Duterte na bumili ang gobyerno ng helicopters mula sa Canadian Commercial Corporation ngunit biglang naging “corny” si Trudeau at inantala ang deal dahil sa mga pangamba na gagamitin ito laban sa mga rebelde.

“Itong si Trudeau nagpapa-corny. Pakunwari na peaceful ganun, ‘We want peace.’ Anong want… This is a troubled world. It has always been a troubled world ever since. Hindi naman nahinto ‘yan,” aniya.

Gagamitin sana ang helicopters sa internal security operations bukod sa disaster relief at search-and-rescue missions.

-Genalyn D. Kabiling