Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

5 pm Go for Gold vs.Chelu Bar and Grill

Matira na ang matibay ang kapwa battlecry ng Che’Lu Bar and Grill at Go for Gold sa kanilang salpukan ngayong hapon sa winner-take-all Game 5 ng 2018 PBA D-League Foundation Cup Finals sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakahirit ang Revellers sa pamumuno ng tinanghal na Conference MVP na si Jeff Viernes ng deciding game matapos ang 88-81 na panalo noong Game 4.

Nagsalansan si Viernes ng walo sa kanyang kabuuang 18 puntos na outpit sa fourth quarter, bukod sa 5 assists at 3 rebounds upang patuloy na buhayin ang tsansa ng Revellers na mag kampeon.

“I challenged them nangyari na sa atin yan, gusto niyo ba ulit maging runner-up?,” pahayag ni coach Stevenson Tiu. “At least, may chance pa. It boils down to a Game Five. We haven’t won the championship yet, pero nandyan yung chance.”

Umaasa si Tiu na madadala nila ang momentum ng nasabing panalo ngayong hapon upang makamit ang inaasam nilang titulo.

Partikular na inaasahan ni Tiu ang pagpaparamdam ng kanilang supporting cast at hindi iniaasa ang lahat kay Viernes partikular sina Jessie Collado na nag-ambag ng 16 puntos at 10 rebounds, at Chris Bitoon na umiskor ng 14 puntos, 2 boards, at 2 assists noong Game 4 gayundin sina Stephen Siruma at JayR Taganas na nagdagdag ng 11 points at 9 rebounds at 10 puntos at 16 boards ayon sa pagkakasunod.

Sa kabilang dako, inaasahan naman ni coach Charles Tiu upang bumawi para sa Scratchers sina Gab Banal ,Matt Salem , Rey Publico at Paul Desiderio.

-Marivic Awitan