Sweep, target ng Pinay sa Asian Games softball

Laro sa Miyerkoles

(GBK Softball Field)

12:30 n.t. -- Philippines vs Indonesia

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

8:00 n.g. -- Philippines vs Chinese-Taipei

JAKARTA – Hindi man nabibigyan ng masyadong pansin sa kanilang kampanya, umaani ng atensyon ang Philippine Blu Girls sa impresibong performance sa softball competition ng 18th Asian Games.

Ngayon, muling lalaban ang Blu Girls sa asian champion Japan bago ang dalawang laro – laban sa host Indonesia at Chinese-Taipei sa Miyerkoles – target ang panalo na magpapatatag sa kanilang kampanya na masungkit ang gintong medalya sa Gelura Bung Karno diamond.

Kumpiyansa si Blu Girls team captain Chezka Altomonte na makakatuntong sa podum ang Pinay softbelles bunsod na rin ng impresibong panalo sa unang tatlong laro.

Haharapin ng Philippines ang Asian champion and No. 1 Japan Martes ng gabi at sasabak kinabukasan para sa double-match sked kontra host Indonesia ganap na 12:30 p.m. at laban sa Chinese Taipei sa 8 ng gabi (Jakarta time).

Target ng Blu Girls na makabawi sa Japanese na tumalo sa kanila sa Asian Championships, 8-0.

“That is what we are aiming for (beat Japan),” pahayag ni Altamonte.

“We just don’t want to duplicate our effort in the Asian Championships but surpass it. Our team is in high spirit and we got fired up by the support of the local here.”

Ikinalugod naman ng Softball federation ang matikas na kampanya ng Blu Girls sa kasalukuyan.

“Our Blu Girls’ three successive wins against Hong Kong, Korea, and powerhouse China are testament to the talent and dedication of our women’s national softball team. They have what it takes to deliver a podium finish for the Philippines. I wish them luck and assure them of my full support as they continue to show their best in the Asian Games,” pahayag ni Jean Henri Lhuillier, pangulo ng Amateur Softball Association of the Philippines.

Mabilis na nag-jell ang bawat isa sa kabila ng kakulangan ng kumpletong ensayo dulot nang magkakasunod na bagyo at pagbaha sa Manila.

“The team is good our bonding is good despite we were not able to train as a team because of typhoon back in Manila,” sambit ni Altamonte.

“We hope for the best as we play now as a team. We can’t relax, we had to get going,” aniya.

Nakuha ng Blu Girls ang tatling sunod na panalo nang gapiin ang China, 1-0, nitong Linggo. Nauna nilang nagapi ang Korea, 5-3.

“That is a very important win [against Chinese Taipei] for us,” pahayag ni national coach Venerando Dizer.

“Nakatapak na ang isang paa namin sa next round.”

Batay sa format, uusad sa page system semifinal ang apat na mangungunang koponan kung saan ang dalawang mananaig ang maglalaban sa Finals.