Malaki ang tsansa na makikipag-alyansa ang Lakas-Christian Muslim Democrats sa Hugpong ng Pagbabago na itinatag ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Inihayag nitong Lunes ni House Deputy Speaker Prospero Pichay, Jr. na nagbabalak ang kanilang partido (Lakas-CMD) na makipag-alyansa sa HNP.

Ayon kay Pichay, maaaring ikandidato ng Lakas-CMD sina Rep. Martin Romualdez, at ex- Sen. Ramon “Bong” Revilla sa 2019 senatorial race.

-Bert De Guzman
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter