Mga laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
10 a.m.- CSJL vs MU (jrs)
12 nn.- SBU vs LPU (jrs)
2 p.m.- CSJL vs MU (srs)
4 p.m.- SBU vs LPU (jrs)
Standings W L
LPU 8-0
San Beda 6 0
UPHSD 5 2
CSB 5 3
Letran 4 3
Arellano U 3 4
JRU 2 6
EAC 2 6
Mapua 2 6
San Sebastian 1 8
UNAHAN sa kasaysayan ang target ng parehong undefeated Lyceum of the Philippines University at defending champion San Beda sa kanilang pagtutuos sa huling laro sa first round elimination ng 94th NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre in San Juan City.
Hataw ang Pirates sa walong sunod na panalo, habang nakopo ng Red Lions ang anim na sunod na panalo sa sariling kampanya na mawalis ang elimination round. Nakatakda ang pagtututos sa 4:00 ng hapon.
Sa nakalipas na season, matagumpay na nawalis ng Lyceum ang double-round eliminations sa 18 laro, ngunit nabigo sa San Beda sa Finals.
“It will be an exciting game for sure,” pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez.
Nangunguna ang Pirates na may average na 88.8 puntos, habang ang Lions ay matibay sa depensa kung saan nalimitahan ang karibal sa league-high 63.3 puntos.
Nangunguna si CJ Perez sa lama-MVP na laro sa league-best 20.1 puntos, habang ang kasanggan na si Mike Nzeusseu ng Cameroon ay No. 7 na may 15.3 puntos.
Ayon kay LPU coach Topex Robinson, maganda ang linya na pinatutunguhan ng Porates.
“It’s still a work in progress but its noticeably improving,” sambit ni Robinson.
Magtutuos naman ang Letran (4-3) at Mapua (2-6) sa seniors match sa ganap na 2:00 ng hapon.