IBINABA ng NCAA ang hatol matapos ang ginawang imbestigasyon sa kaso ng San Sebastian College playmaker na si RK Ilagan na umano’y naglaro sa isang ‘ligang labas’ noong Hunyo 30.

Sa opisyal na pahayag ng NCAA Season 94 Management Committee, sa pangunguna ni Chairman Frank Gusi, pinatawan ng tatlong larong suspensiyon si Ilagan.

Kaugnay nito, binawi rin ang unang panalo ng Golden Stags kontra Saint Benilde Blazers noong Hulyo 13 (85-78) gayundin ang panalo sa Jose Rizal University Heavy Bombers noong Hulyo 24 (86-76), kung saan naglaro si Ilagan.

Bunga ng pangyayari, bumagsak ang San Sebastian sa markang 1-8, habang tumaas ang JRU sa 1-6, at ang CSB sa 4-3.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Base sa pahayag ng ilang mga sources si Ilagan at ang Letran player na si Koy Galvelo ay naglaro sa Bobby Taboho Cup sa Tandang Sora, Quezon City noong Hunyo 30 .

Ayon kay Gusi, hindi na itinuloy ni San Sebastian board representative Fr. Glyn Ortega, OAR, ang kanilang apela at sa katunayan ay pinatawan ng kusa ng tatlong larong suspensiyon si Ilagan.

Ang isang panalo ng San Sebastian na naitala nila kontra Mapua ay hindi binawi dahil suspindido na noon si Ilagan.

“The NCAA’s action on this incident, including the sanctions imposed, is in accordance with the existing NCAA Manual of Operations (MOO) and with the best interest of the league and the discipline of student athletes in mind,” pahayag ni Gusi.

-Marivic Awitan