TUTULAK ang first ever Margie C. Narcilla FIDE Rated Standard Round Robin Chess Championships sa Agosto 20-22 sa Jardin Del Roca, Bayabas sa Toril, Davao City.

Ayon kay Organizer at Chief Arbiter FNA Margie C. Narcilla, ang nasabing Standard Time control format na ipapatupad ang FIDE Law sa torneo na may nakatayang 5,000 sa magkakampeon.

Maiuuwi ng second placer ang P3,000 habang nakalaan sa third placer ang P2,000 at P1,500 naman sa fourth placer.

Ang registration fee ay P500 at libre ang pagkain para sa lahat ng mga kalahok.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang sa mga invited players ay sina Ferdinand Leysa (2065) Atty. Jose Dionisio Guevarra Jr. (1907), Irish Yngayo (1748), Florence Faith Guevarra (1720), Baltazar Rafales Sr. (1362), Alfred Moulic, Cecilio “Ely” Acas, Michael Elloso, Knarf Lawrence Bastilaong at Kurt John Placencia.

Ang Tournament Director ay si National Arbiter Cecilio “Ely” A. Acas habang ang Deputy Chief Arbiter ay si Fide National Arbiter Joseph Gener “Jojo” I. Palero na kaagapay si Fide National Arbiter Alexander E. Clavite.

Ang torneong ito ay sinuportahan nina Atty. Guevarra, Trumph Motorcycle, at Ms. Gina Villaruz