BRASÍLIA, 2018 (AFP) – Umarangkada nitong Miyerkules ang planong pagbabalik sa panguluhan ng nakakulong na leftist leader na si Luiz Inacio Lula da Silva sa formal registration ng kanyang kandidatura sa kabisera ng Brazil, ang Brasilia.

May 10,000 nakapulang tagasuporta ng Workers’ Party ang nagmartsa sa Supreme Electoral Court, kung saan isinumite ng mga kaalyado ni Lula ang mga dokumento para pangalanan ang two term ex-president, ngayon ay nakakulong dahil sa katiwalian, bilang kanilang kampeon sa eleksiyon ng Brazil sa Oktubre.

‘’I registered my candidacy for the presidency of the republic..., certain that I can do a lot to pull Brazil from one of its worst crises in history,’’ deklara ni Lula, nangunguna sa mga survey, sa liham na inilabas ng partido.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina