April 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Babaeng rider, patay matapos mabagsakan ng natumbang puno habang nagmamaneho

Babaeng rider, patay matapos mabagsakan ng natumbang puno habang nagmamaneho

Patay ang isang 65-anyos na babae matapos mabagsakan ng puno habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Barangay San Isidro, General Santos City.

Ayon sa anak ng biktima na si Marianne, papunta umano noon ang kaniyang ina sa isang resort upang kumuha ng charger ng speaker nang mangyari ang insidente.

Ngunit kalaunan ay nakatanggap ng balita ang pamilya na nabagsakan ng puno ng neem ang biktima habang nasa kalsada, na agad nitong ikinasawi.

Paliwanag ng kagawad sa barangay, posibleng humina ang puno dahil sa sunod-sunod na pag-ulan. Aniya, hindi kasing tibay ng acacia ang kapit ng ugat ng neem tree sa lupa kaya mas madali itong bumigay.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na maaaring may pagkukulang sa pangangalaga sa mga puno sa lugar dahil marami umanong malalaking puno sa naturang lugar na maaaring magdulot ng panganib sa mga dumaraan kung hindi ito agad maaaksyunan.

Probinsya

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag mula sa lokal na pamahalaan kaugnay ng insidente.