Pinalikas na ng mga awtoridad sa bansang Qatar ang mga residenteng naninirahan malapit sa US Embassy bilang kanilang “temporary precaution measure” sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.
Ayon sa international media, ang inisyatibang ito ay base sa kumpirmasyon ng Qatar Ministry of Interior nitong Huwebes, Marso 5.
Bunsod ito ng kamakailan na pag-atake ng Iran sa US Embassy sa Riyadh, Saudi Arabia, at sa isang parking lot sa US Consulate sa Dubai, na nagdulot ng minor damage.
Dahil dito, ang US embassies sa Kuwait, Riyadh, at Beirut, Lebanon, ay nag-anunsyo ng pansamantalang pagsasara habang patuloy na tumataas ang tensyon sa Middle East.
Matatandaang unang inanunsyo ni US Pres. Donald Trump noong Sabado, Pebrero 28, ang pagsisimula ng kanilang pag-atake sa bansang Iran sa layon umanong protektahan ang mga Amerikano sa rehimeng nito.
MAKI-BALITA: US Pres. Donald Trump, inanunsyo simula ng major combat operation vs Iran!
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit inatake ng US at Israel ang Iran na nagdulot ng tensyon sa Middle East?
Sean Antonio/BALITA