April 13, 2026

Home BALITA Metro

Lalaki sa tuktok ng LRT-2 Antipolo Station, may mental health condition—Mayor Ynares

Lalaki sa tuktok ng LRT-2 Antipolo Station, may mental health condition—Mayor Ynares
photo courtesy: Jun-Andeng Ynares/Facebook

Ibinahagi ni Antipolo City Mayor Jun Ynares na mayroong mental health condition ang lalaking na-rescue sa tuktok ng  LRT-2 Antipolo Station, nitong Huwebes, Marso 5.

Sa kaniyang social media post bandang alas-8 ng gabi, ibinahagi niyang ligtas ang lalaki at pinatingnan nila agad sa mga doktor.

"LIGTAS pong nai-rescue ang lalaking umakyat sa tuktok sa LRT 2 station. Pinatingan na rin natin sya sa ating mga doktor sa ating ospital upang matiyak na nasa maayos syang kalagayan," ani Ynares.

Maki-Balita:  Lalaking umakyat sa tuktok ng LRT-2 Antipolo Station, na-rescue na!

Ibinahagi rin ng alkalde ang sinabi ng pamilya ng lalaki na mayroon itong mental health condition. 

Metro

Nasunog na landfill sa Navotas, 'di pagmamay-ari ng LGU—CDRRMO

"Ayon sa pamilya, may mental health condition po ang lalaki. Kasalukuyang kapiling na po niya ang kaniyang pamilya," saad niya. 

Napag-alaman din ni Ynares na taga-Manggahan sa Pasig City ang lalaki at nakulong sa Muntinlupa dahil sa isang krimen na hindi umano ginawa ng lalaki. 

"Ayon sa kwento ng lalaki, siya ay taga Manggahan, Pasig at dati raw siyang nakulong sa Muntinlupa dahil sa isang krimeng—ayon sa kanya— ay hindi niya ginawa. Nakalaya man, dahil sa record na ito, ay nahirapan siyang makapagsimulang muli," saad ng alkalde. "Tunay na hindi mo talaga basta masasabi kung gaano kabigat ang dinadala ng isang tao."

Maki-Balita:  Lalaking umakyat sa tuktok ng LRT-2 Antipolo Station, na-rescue na!

---

Kung mayroong senyales na pinagdaraanan sa mental health at nangangailangan ng tulong ay maaaring tumawag sa National Center for Mental Health (NCMH) hotline sa 1553 o makipag-ugnayan sa opisyal na Facebook page ng ahensiya para sa appointment.