Ipinasususpinde ng ilang senador ang pagbabawal na dumaan sa EDSA ang mga sasakyang driver lang ang sakay, dahil hindi umano dumaan sa masusing pag-aaral at konsultasyon ang nasabing bagong polisiya.

SIR, BAWAL NA HO ‘YAN Sinita at pinaalalahanan ng MMDA traffic enforcer ang motoristang sumuway sa driver-only-car ban sa EDSA White Plains, sa isinagawang dry run, kahapon. May multang P1,000 ang mahuhuling lumabag sa ordinansa. (MARK BALMORES)

SIR, BAWAL NA HO ‘YAN Sinita at pinaalalahanan ng MMDA traffic enforcer ang motoristang sumuway sa driver-only-car ban sa EDSA White Plains, sa isinagawang dry run, kahapon. May multang P1,000 ang mahuhuling lumabag sa ordinansa. (MARK BALMORES)

Nagsimula na kahapon, Agosto 15, ang isang linggong dry run ng nasabing polisiya sa EDSA.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, anti-poor ang ginawa ng Metro Manila Council (MMC) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil kakailanganin pang umupa ng driver ng mga motorista para makadaan sa EDSA sa rush hour.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nakasaad sa Senate Resolution No. 845 nina Sotto, Senate Minority Leader Franklin M. Drilon, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, at Senate Majority Leader Miguel Zubiri na hindi dumaan sa proseso ang pagpapatupad ng nasabing polisiya.

Hiniling ng mga mambabatas sa MMC at MMDA na magsagawa muna ng konsultasyon bago ito ipatupad.

“The implementation of a regulation that would allegedly affect seventy percent (70%) of the motor vehicles plying and enjoying the use of the Philippines’ major thoroughfare without holding a prior public consultation or hearing is violative of the due process of laws enshrined and protected under the Constitution,” nakasaad sa resolusyon.

Nakasaad din sa resolusyon na libu-libong katao ang maaapektuhan sa limitadong paggamit sa EDSA, na pangunahing kalsada sa Metro Manila.

-Leonel M. Abasola